SAPAT NA SUPLAY NG SEMENTO TINIYAK

IKINATUWA ng Cement Manufacturers’ Association of the Philippines (CeMAP) ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng safeguard duty sa cement imports at nangakong titiyakin ang matatag na suplay ng building material upang suportahan ang mga pangangailangan ng bansa.

“While we had hoped for a higher tariff, we fully respect the DTI’s decision. We view this as a fair measure consistent with trade rules and supportive of the competitiveness of the local cement industry,” pahayag ng CeMAP sa isang statement.

Nauna rito, sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na ipatutupad ng DTI ang rekomendasyon ng Tariff Commission (TC) na magpatupad ng safeguard duty na nagkakahalaga ng P14 per 40-kilogram bag o P349 per metric ton ng imported Ordinary Portland Cement Type 1 at blended cement sa loob ng tatlong taon.

Inirekomenda ng TC ang pagpapatupad ng isang safeguard measure matapos na matuklasan ang sanhi at epekto ng ugnayan sa pagitan ng malubhang pinsala sa lokal na industriya ng semento at ng pagtaas ng pagpasok ng mga produktong semento.

Upang matiyak ang matatag na presyo at matatag na suplay ng semento, sinabi ni Roque na isasailalim ang safeguard duty sa pagrepaso.

Nauna nang sinabi ni CeMAP executive director Renato Baja na hiniling ng grupo sa DTI na magpatupad ng safeguard measure na P600 sa cement imports upang gawing patas ang playing field para sa parehong imports at locally produced cement.

Ang panukalang halaga ng CeMAP ay base sa paghahambing ng landed cost ng imported cement at ng factory gate price ng locally produced cement.

Ang mga cement supplier mula sa mga bansa tulad ng Vietnam ay maaaring magbenta sa mas mababang presyo dahil tumatanggap sila ng subsidiya.

Sa pagpapatupad ng safeguard duty, sinabi ng CeMAP na umaasa itong mapabubuti ng mga local cement manufacturer ang kanilang capacity utilization, na nasa 53 percent lamang noong nakaraang taon.

Binigyang-diin ng CeMAP na ang safeguard duty ay magbibigay-daan din sa lokal na industriya ng semento na mas mahusay na masuportahan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa imprastraktura.

“CeMAP remains committed to ensuring the steady supply of quality cement products and to contributing to the country’s infrastructure development,” ayon sa grupo.

Sa ilalim ng Safeguard Measures Act, ang pamahalaan ay maaaring magpatupad ng safeguard measures, tulad ng taripa, upang protektahan ang domestic industry mula sa pinsala na dulot ng pagtaas ng imports.

Source: https://pilipinomirror.com/sapat-na-suplay-ng-semento-tiniyak/

 

Latest News

Stories

Health and Safety

Recent News

CeMAP Stories

Health and Safety